Media Briefing ng CureCOVID Ukol sa MSMEs

Inilunsad ng Citizens’ Urgent Response to End COVID-19 (CURE COVID), kasama ang tagapagpadaloy ng program na si Kat Kwe, ang ika-walo nitong online seminar noong ika-lima ng Hunyo 2020. Ang CURE COVID ay People’s Initiative ng iba’t ibang komunidad at sektor na nagsisilbing plataporma upang pantugon sa pandemyang COVID-19 na tumatalakay sa epekto nito sa kalusugan, at kabuhayan ng mga nasabing apektado. Patuloy na isinasagawa ng CURE COVID ang pagsasabuhay ng panawagang batayang serbisyong panlipunan sa lahat, at ang patuloy na pag adbokasiya na walang dapat maiiwan na hindi protektado mula sa sakit at sa mga hakbang para sugpuin ang pagkalat nito.

Tinalakay dito ang kalagayan ng mga Micro, Small, at Medium Enterprise (MSME) sa Pilipinas sa gitna ng pandemya. Ayon kay Dra. Judy Taguiwalo, dating kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ngayong propesor ng Unibersidad ng Pilipinas, hindi tulad ng mga malalaking negosyo na may malaking pisi, ang mga MSME raw ay may limitadong kapital at rekurso. “Ang mahigit dalawang buwan lamang na pagtigil ng negosyo ay kaya magpataaob sakanila” tugon ni Dra. Taguiwalo. Ibig malaman ng propesor ang kalagayan ng mga MSME ngayon, at kung sapat o nabibigyan ba sila ng ayudang kailangan nila upang magamit sa pagsuporta ng milyon-milyong manggagawa.

 

MGA KARANASAN NG MGA PANELIST

Inilahad naman ni Ginoong Alex Aquino ng Responsible Investment for Solitary fee and Empowerment (RISE) kung ano nga ba ang MSMEs at ang mga gobyernong programa na nakalaan upang sila’y matulungan. Ayon sa report ng Department of Trade and Industry (DTI), ang mga small at medium-scale enterprises ay mga pang-negosyong establisyemento na may 10 hanggang 199 na mga empleyado at may assets sa pagitan ng Php3M at Php100M. Sila ang 99.6% ng workforce o mga establisyemento sa Pilipinas, ngunit sa katapusan ng Abril 2020, mahigit kumulang 50% ng mga ito ay tumigil sa operasyon.

May mga programang ginawa ang gobyerno upang matugunan ito: DTI Subsidiary, I-RESCUE Rehab Landing Program ng Land Bank of the Philippines, Small Business Wage Subsidy (SBWS) ng SSS, COVID-19 Adjustment Measures Program ng DOLE, Ayuda ng DOT, at iba pa. Ngunit ayon kay Ginoong Aquino, medyo nakadidismaya raw ang mga ito dahil masyado raw itong komplikado, hindi epektibo, at maraming mga proseso na nagpapahirap sa mga pagkuha nito. “Considering its large impact on the economy, the assistance program to MSMEs is surprisingly thin” hinaing niya.

Dagdag pa ni Ginang Waya Wijanco, may-ari ng mga restawran at ng bokasyonal na paaralan para sa mga may espesyal na pangangailangan, “Mula nung tumama ang COVID-19, wala kaming guidance mula sa gobyerno, mula sa lokal government kung pano namin iaddress ang problemang ito, kung magsasara ba kami.” Ginamit niya rin daw ang kaniyang restawran upang bigyan tulong pangkain ang mga frontliners nang walang hinihinging kapalit. Ngunit dahil daw sa kakulangan ng suporta ng gobyerno, nagbawas siya ng mga tauhan, mula sa 26 na katao naging 10 na lamang.

Hinaing pa niya na wala raw guidelines ang gobyerno para sa pagharap ng mga MSMEs sa pandemya “Ang earning na natatanggap namin is down to 20% pero ang cost of doing business has risen significantly so wala kaming assistance with regards to that and yung mga supposedely pagbibigay ng [Social Security Srevice] SSS at [Department of Labor and Employment] DOLE wala kaming natanggap doon, kami mismo and nagbigay ng sweldo at ayuda,” “Anraming regulations ng [Department of Tourism] DOT, DTI na walang proper guidance at assistance. Wala kaming assurance na natanggap from DOLE,” at “Unless we get the mass testing done, yung public ay hindi lalabas upang tangkilikin ang aming negosyo.”

Ang sumunod naman ay si Ginoong Jose Lapira, ang Business Development Lead ng Lily Pad Digital Solutions. And Lily Pad Digital Solutions ay isang microenterprise na gumagawa ng data management systems at nagbibigay ng web solutions para sa mga samahang di pangkalakalan (non-profit organizations) para sa mga micro, small, at medium enterprise. Ayon kay Jose, ang mga digital na negosyo tulad nila ay nag benepisyo sa pandemya sa kadahilanang may social distancing na pinatupad ang pamahalaan kung kaya’t nag pokus ang mga negosyo sa digitization, at automation.Ngunit kahit raw digital and kompanya niya, may mga problema pa rin silang kinahaharap. Ang mga MSMEs na hinaharap nila ay kadalasang hindi technologically o financially equipped para lumipat sa digitization. Ayon sa report ng Department of Finance, mahigit kumulang 1.5 milyong mga MSME ang malubhang apektado ng pandemya dahil “deficient and unsatisfactory ang mga programa ng gobyerno, low rate of assistance ito dahil magiging available lang to after the lifting of quarantine, massive ung red tape kasi anraming requirements, at yung documentation masyadong tedious. Ang ending nito, pupunta sila sa mga informal lenders.”Panawagan ni Jose na sana ang pamahalaan ay gumawa ng MSME-friendly business environment. Dahil daw ang mga MSME ang kumakatawan sa 60% ng labor force ng mga Pilipino. Dagdag pa rito, hiling niyang bisitahin muli ng mga lawmakers ang mga socio-economic policies para masiguradong nakatutulong ito sa mga tao. Maganda rin daw na sa panahon ng pandemyang ito na magkaroon ng tax credits, o tax holidays ang mga MSME at tanggalin na ang red tape upang maging mabisa ang paggawa ng mga negosyante, at subsidies daw sana imbis na utang habang bumabawi ang mga negosyante. Ayos sa kaniya, magandang solusyon laban sa pandemya ang mass testing at contract tracing.

At ang panghuling panelist ay si, Ginang Raia Dela Pena na nag mamay-ari ng Sinag Publishing and Printing Services. “Nag-sarado kami agad kasi di kami essential service. Nag comply na kami sa utos ng presidente na maaga yung 13 month pay, magbigay ng ayuda, at magbigay ng paid vacation leave.” Ngunit nang tumagal daw yung lockdown, hindi na raw sapat ang kaniyang puhunan kung kaya’t humingi sila ng ayuda sa gobeyerno. Base sa kaniyang dinanas, walang konkretong proseso na binigay ang pamahalaan, wala itong matinong guidelines at kulang ang pagpapakalat ng impormasyon ukol sa mga programang maaaring makatulong sa mga MSME tulad niya. “Parang inaasa lang po samin ang lahat, sa pagtetesting, transportasyon, sweldo, halos sa lahat.”

SYNTHESIS

Sa konklusyon, ito’y ibinahagi ni Ginoong Teddy Casino, ang dating kinatawan sa kongreso ng Bayan Muna Party List at ang namuno sa komite sa kongreso tungkol sa pag-unlad ng maliliit na negosyo. Ayon sakanya, hindi lang mabigat kundi masalimuot and epekto ng COVID-19 at ng kaaikbat na measures; Hindi lang kawalan ng negosyo ang problema, pati na rin ang mga adisyonal na gastusin. Kahit raw ang mga dapat nananalo ngayon pandemya tulad ng mga digital at ecommerce na negosyo ay mabigat din ang tama. Nagmumukha raw na inaasa sa mga negosyante o mga mamamayan ang lahat. Isa raw sa mga nagpapatunay dito ay ang kapalpakan sa  pagsuporta ng gobyerno sa mga lokal na negsosyante. “Napakahirap kumuha ng ayuda dahil sa mga maiikling deadlines, website na hindi gumagana, at mga requirements na mahirap makamit. MSME consists of the bulk ng ating work force. Kailangan ng mass testing para mabalik ang consumers’ confidence, ito’y para masigurong ligtas ang mga consumer pati na rin ang mga provider mula sa COVID-19.”

Dagdag niya pa rito “the government can do much more. Hindi lang utang ang kailangan ng mga entrepreneurs especially at this time na patong-patong ang cost nila. This option of magpapautang ay dapat gawing zero interest or make it outright direct subsidies kasi this will generate more business, jobs, kasi papaikutin din nila ito. Unfortunately, tingin ng gobyerno dito ay isang ordinaryong dole out, but what they should realize is that this will really have a stimulus effect o magtutuloy-tuloy ang ganiyang epekto ng subsidies in term of productions and job generation.”

Sa huli, hiling ni CURECOVID na magkaron ng komprehensibo, epektibo, patas, at makataong mga paraan sa pagharap sa COVID-19.

Scroll to Top